Miyerkules, Enero 20, 2016

Mga Kaganapan sa oras ng Filipino (2nd Grading)


08-11-15

Kami ay nanuod ng Dayo

Mga Kaganapan sa oras ng Filipino (2nd Grading)


08-11-15

Kami ay nanuod ng Dayo

Mga Kaganapan sa oras ng Filipino (2nd Grading)


08-11-15

Kami ay nanuod ng Dayo

Mga Kaganapan sa oras ng Filipino (Test)

08-07-15

Sa araw na ito ang aming unang “Quarterly Exam”

Mga Kaganapan sa oras ng Filipino

08-04-15

Pag turo tungkol sa perpektibo at imerpektibo.

Mga Kaganapan sa oras ng Filipino

08-04-15

 Pag tsek lahat ng gawain 

Mga Kaganapan sa oras ng Filipino

07-27-15 to 07-31-15


May iniwang gawain tungkol kay “Tiyo Simon”

Mga Kaganapan sa oras ng Filipino

07-20-15 to 07-24-15

Ang aming guro ay may iniwang gawain

Mga Kaganapan sa oras ng Filipino

07-16-15

Submission ng tula.

Mga kaganapan sa oras ng Filipino (tula)

07-13-15

Ang aming guro ay nagleksyon at naatasan kaming gumawa ng tula.


May Forever nga ba? Pag Forever ang ating pinausapan Lahat ng kabataan ay nagsisilapitan Pero ano nga ba para sa akin na ako ang may akda Kung naniniwala nga ba sa Forever na salita Hindi naman porket sa Forever hindi naniniwala Pinaglihi sa ampalaya at pangit na mukha. Minsan naman hindi lahat pag-ibig Gamitin ang utak at mag isip ng maigi Kung sa pagkain ang ating paguusapan Ang Forever ay sadyang kasinungalingan lamang Kung mayaman ka akala mo mabibili lahat gamit ang pera mo Pero paano kung ang hayop at halaman ay mawala na parang abo Sa telebisyon,Forever palaging tinatampok Mga matatamis na salita laging hinahandog Mga lalaking naguumapaw sa sobrang pagkagwapo Na magbibigay kilig tagos hanggang buto. Pero paalala sa inyong lahat Ito'y ginawa para sumikat sa lahat Hindi totoo, puro lang pasikat Huwag gagayahin labis na mag ingat Forever na may hangin ay sinabing makatotohanan Sapagkat hangin raw ay walang katapusan Ito'y mali at hindi makatotohanan Malinis na hangin sa syudad ay unting nababawasan Kung sa buhay ng tao,Forever kathang isip lamang Ang buhay ng tao ay laging may katapusan Hindi mo matatangihan pag nandiyan na ang kamatayan Kaya Forever sa buhay ng tao,ay sadyang kasinungalingan Ang Forever ay isa lang salita Ginawa ng tao para sa pag-ibig maniwala Pag-ibig na walang katapusan Walang katapusan magpakabilang buhay man Minsan nakabasi rin ito sa nangyari sa iyong buhay Naniniwala ka sa Forever, pag tumagal inyong pagmamahalan Hindi naman pag hiniwalayan ka ng iyong kasintahan Ngayon alam nyo na ang aking mga dahilan Ngayong patapos na ang aking tula Pansin naman siguro ang hatol ko bilang may akda Pero kung gusto nyo galing sa bibig ko Ang salitang Forever ay hindi kapanipaniwala
May Forever nga ba? Pag Forever ang ating pinausapan Lahat ng kabataan ay nagsisilapitan Pero ano nga ba para sa akin na ako ang may akda Kung naniniwala nga ba sa Forever na salita Hindi naman porket sa Forever hindi naniniwala Pinaglihi sa ampalaya at pangit na mukha. Minsan naman hindi lahat pag-ibig Gamitin ang utak at mag isip ng maigi Kung sa pagkain ang ating paguusapan Ang Forever ay sadyang kasinungalingan lamang Kung mayaman ka akala mo mabibili lahat gamit ang pera mo Pero paano kung ang hayop at halaman ay mawala na parang abo Sa telebisyon,Forever palaging tinatampok Mga matatamis na salita laging hinahandog Mga lalaking naguumapaw sa sobrang pagkagwapo Na magbibigay kilig tagos hanggang buto. Pero paalala sa inyong lahat Ito'y ginawa para sumikat sa lahat Hindi totoo, puro lang pasikat Huwag gagayahin labis na mag ingat Forever na may hangin ay sinabing makatotohanan Sapagkat hangin raw ay walang katapusan Ito'y mali at hindi makatotohanan Malinis na hangin sa syudad ay unting nababawasan Kung sa buhay ng tao,Forever kathang isip lamang Ang buhay ng tao ay laging may katapusan Hindi mo matatangihan pag nandiyan na ang kamatayan Kaya Forever sa buhay ng tao,ay sadyang kasinungalingan Ang Forever ay isa lang salita Ginawa ng tao para sa pag-ibig maniwala Pag-ibig na walang katapusan Walang katapusan magpakabilang buhay man Minsan nakabasi rin ito sa nangyari sa iyong buhay Naniniwala ka sa Forever, pag tumagal inyong pagmamahalan Hindi naman pag hiniwalayan ka ng iyong kasintahan Ngayon alam nyo na ang aking mga dahilan Ngayong patapos na ang aking tula Pansin naman siguro ang hatol ko bilang may akda Pero kung gusto nyo galing sa bibig ko Ang salitang Forever ay hindi kapanipaniwala

Mga Kaganapan sa oras ng Filipino


07-09-15

Pag tsek ng Balde ng Kaalaman na pinagawa noong 07-07-15

Mga Kaganapan sa oras ng Filipino (Alamat)

07-03-15

Kami y gumawa ng tula at babasahan namin sila. Narito ang akin.

Ang Pagusbong ng Bulaklak na
SANTAN
      Isang araw sa isang maganda at mamahaling subdivision ay nagsimula ang isang kwentong mahika napag pupulutan ng aral. Tahimik at masaya ang mag asawang Mr. at Mrs. Buenaventura, masaya na sila sa isa nilang kompanya. Kagaya nga ng normal mag asawa ay may roon rin silang problema, pero hindi ito simpleng problema lamang. Si Mrs. Bueneventura ay hindi na makapag silang pa ng anak sa kadahilanang na kunan ito sa una nilang anak. Pero hindi pinanghinaan ng loob si Mr. Buenaventura na may pag asa pa silang magkaroon ng anak. Halos lahat nalang ng santo ay inalayan na nila at lahat na banal na bundok na sinsabing magkakaanak sila ay na puntahan na nila. Halos panghinaan n lang din si Mr. Buenaventura ng biglang nagkukumahog na pumunta sa banyo ang kanyang asawa. Naisipan ng mag asawa na pumunta sa doctor. Kinabukasan ay nagpatingin nga sila gaya nga ng kanilang napag usapan. Nagtatalo sa kanyang puso ang takot at saya . Takot na baka may sakit ang kanyang asawa at saya na  baka buntis ito. Lumabas ang doctor at nag wika ang doctor ng “Hindi ko po alam kong paano ito nangyri pero, BUNTIS po kayo Mrs. Buenaventura”.          
Pag karaan ng ilang araw ay sinilang na nga ang kanilang anak na pinangalanang Zatana. Si Zatana ay may mapupulang pisngi at matatamis na ngiti. Ano nga naman ang pagkakataon at ang mala anghel na bata ay biglang nagbago at ito’y nagiging maldita. Nag simula ang lahat ng siya’y limang taong gulang pa lamang, dahil nga sa nag iisa lamang ay lahat ng gusto nya ay nasusunod at dito nila nalimutan ang pagpapaalala kay Zatana ang kabutihang asal. Lalo pang nagsimula ang lahat ng siya ay tumuntong si Zatana sa edad na disisyete. Isang araw ay nakita ng kanyang mga mgulang ang pang mamalupit nya sa kanyang mga katulong. Tinanong niya si Zatana kong ano ang dahilan ng pang mamalupit nya, “Kasi naman yang mga katulong ay nadikitan ako ng walis tambo” sabi ni Zatana”. Halo pumutok naman sa galit ang kanyang ama pero nag wika na lamang ito ng “Kung hindi mo sakin ma ipapakita ang pag respeto sa nakakatanda ay hindi kita bibigyan ng isang party sa kaarawan mo” walang nagawa si Zatana at ito’y umakyat na lamang sa kanyang kuwarto. Pero biglang may pumasok na masamang idea sa kanyang isipan at nag wia sa sarili ng “Kung kailangan ko lamang ay mapaniwala ang aking ama na mabait ako ang kailagan ko lamang ay mag baitbaitan sa harap nila”. Lumipas ang araw  na mabait ito sa harap ng mga magulang niya pero lingid sa kaalaman ng magulang nya na pag nakatalikod sila ay pina hihirapan niya ang mga katulong. Dahil sa inasta ni Zatana sa mga katulong nila ay nagawa nilang mapangalanan si Zatana pag nakatalikod ito, at tinawag nga syang Zatana ang dakilang SANTA-SANTITA o ang ibig sabihin ay PLASTIC si Zatana. Mukhang nakumbinsi nga ni Zatana ang kanyang mga magulang sapagkat ay narinig nya ang pag uusap nito tungkol sa darating na kaarawan niya.
Kinabukasan ay nag simula na  ngang mang imbeta si Zatana sa kanyang mga kaklase kahit wala pang kasigurohan. Halos ipag sigawan na lamang nya ang mga katagang “PUMUNTA KAYO SA KAARAWAN KO!!!” Pero sa mismong kaarawan ni Zatana ay kaarawan rin pala ng kaniyang kaklase na mabait. Narinig ni Zatana ang pag iimbeta nito sa kanyang mga kaklase kaya naman ay sinabihan nya ito ng”Huwag kanang maghanda dahil lahat sila ay pupunta sa aking kaarawan” kasabay nito ang ag tawa niya ng malakas. Pag kagaling nga nya sa klase ay kinausap sya ng kanyang mga magulang, hindi nga sya nagkamali at pinagplanohan na nga ang kanyang kaarawan. Dumating na nga ang kaarawan niya. Habang siya ay inaayusan ay iniisip nya na ang mga naglalakihang regalo ng kaniyang mga kaklase. Ngunit kabaliktaran ito ng siya ay lumabas, halos paliliitan ang kanyang mga kaklase sa dalang regalo.

                Dahil sa kanyang inis ay nasabihan niya ng masasakit at masasamang salita ang kaniyang mga kaklase. Dahil sa sinabi ni Zatana ay nagalit sa kanya ang mga kaklase nya at binawi ang mga regalo nila, hindi alam ni Zatana na sa loob pala ng mga regalo na iyon ay ang mga nagmamahalang mga regalo. Habang si Zatana ay naiinis hindi niya alam na sa likod nya pala ang mga magulang niya na galit kay Zatana. Halos kong ano na ngang palusot ang ginawa niya para makumbinsi ang mga magulang niya ngunit mas lalo silang nagalit kay Zatana dahil sa pagsisinungaling nito sa kanila. Halos gusto na lamang ni Zatana na lamunin siya ng lupa para maalis siya sa eksena na iyon, kaya naman ay tumakbo na lamang siya sa malawak na hardin nila.


                Habang si Zatana ay umiiyak ay nag kukumahog naman na hinahanap ng mga katulong si Zatana. Habang siya ay umiiyak ay nakarinig siya ng impit na ungol, ng lapitan niya ito ay laking gulat nito ng Makita ang isang duwende na naipit sa kahoy.” Tatakbo na sana palayo si Zatana ng biglang nag wika ang duwende”Tulungan mo ako kapalit ang isang hiling” hindi na nga nag dalawang isip pa si Zatana at tinulungan ang duwende, pero hindi niya alam na ang duwende pala ay masama sinabihan siya nito ng “Mag iingat ka sa iyong hiling” pero dali-dali itong nag wika ng “Sana ay hindi na magalit ang mga magulang ko pag ako ay nakita kundi sana ay mas lalo pa nila ako alagaan”. Biglang nabalot ng liwanag si Zatana at bigla siyang nagging bulaklak na kasing pula ng kaniyang pisngi pero sya ay may mukha “Hindi ito ang nais kong hiling!!!!” wika ni Zatana, pero bigla nalang nawala ang duwende. Halos maiyak ang mga magulang niya sa sinapit ng kaniya ng nag iisang anak, kagaya nga ng kaniyang hiling ay nakalimutan ng magulang niya ang nangyari at sya’y inalagaan. Nag daan ang mga taon at pumanaw na ang kaniyang mga magulang. Pag kalipas ng ilang araw pag katapos pumanaw ang mga magulang niya ay biglang lumitaw ang duwende. Pero imbis na mag makaawa si Zatana ay sinabihan nya ng masasamang salita ang duwende. Dahil doon ay inalis nito ang mukha at bibig ni Zatana at tinira ang isang maliit na mata sa gitna na hindi napapansin ng mga tao. Napag isipan ng mga katulong na itanim na lang sa hardin si Zatana, at doon na nga ay siya’y rumami. Dahil na nga sa maganda talaga ito ay hindi maiwasan ng mga nakakita na mag tanong kung ano ang pangaln ng nasabing bulaklak. Sinabi na lamang ng mga katulong na SANTAN dahil sa pinag samang pangalan na Zatana at Santa-Santita. Kaya naman ngayon pag bumubuka ang Santan ay nagbabasakali si Zatana na baka makita nito ang duwende at pag ito’y naka tiklop ay parang apoy na patusok, APOY na nagliliyab sa galit,lungkot at higit sa lahat ay pagsisisi.

Mga Kaganapan sa oras ng Filipino(Plot)

06-29-15

Sa araw na ito ay sinuri muli ang plot ng alamat na pinaayos samin noon


Simula
Sa isang maganda at mamahaling subdivision ay nakatira si Zatana   kasama ang mga magulang nya na si  Mr. at Mrs. Buenaventura.
Pataas
Wala na talagang sasama pa kay Zatana, kaya naman napag disisyunan nila na kailangang maging  mabait kapalit ang isang magandang party. Nang kaarawan nya nman ay nagalit sya sa kanyang mga kaklase nya dahil sa malilit na regalo.
Gitna
Hindi nakayanan ng mga magulang nya kay naman ay nasuklam sila kay Zatana.
Pababa
Dahil sa takot ay nakipagkasundo na lamang si Zatana sa duwende na kanyang tutulungan kapalit ang isang hiling.
Wakas

Nagi syang bulaklak na kasing pua ng kaniyang pisngi,inalis ng duwende ang mukha at bibig ni Zatana at tinira ang isang mata  sa gitna na hindi nakikita ng tao..

Mga Kaganapan sa oras ng Filipino(Skeleton ng Alamat)

06-23-15
       Inatasan kami ng aming guro na gumawa ng tula. ngunit bago yon kailangan muna namin gumawa ng skeleton nito. Narito sa ibaba ang aking ginawa.





Zatana
                                                                                 |
                                                                                 |
                                                                                 |
                                                                                 |
                                                                                 |


              KINIKILOS:                                                              GAWI:
*Mahinhin           ----------------            ---------------            *Mahilig
                      /             \    *Malambing                                                                          mag                                                                                                       paganda
                                                                                        

                                                               /                                       \
                                                             /                                          \
                                                           /                                              \
PANLOOB:                                                     PANLABAS:
*Masama                                                        * Maganda                          * Makinis                                                             *Inggetera                                                                                         
*Sinungaling                                                     * Mahaba ang buhok              *Madaling mas selos                                            *Mapupula ang pisngi                                                                                         


Mga Kaganapan sa oras ng Filipino (Krus)

06-18-15
       Sa mga sumusunod na araw natutunan namin ang tungkol sa transitional devices. Kagata nalang ng pinasagutan sa amin na pinamgatang KRUS. na kung saan ay gagabayan kami ng aming natutunan.  

Mga Kaganapan sa oras ng Filipino (Transitional Devices)

06-15-15
      Sa araw na ito kami ay may pinasagutan  tungkol sa "Transitional Devices" ng hindi pa naituturo, para maipakita kung ilang porsyento ang alam mo tungkol dito. At akoy nakakuha ng 3/5. 

Mga Kaganapan sa oras ng Filipino(Ang Anim na Sabado ng Beyblade)


06-12-15
       
          Pero bago nag tsek noong  06-16-15 ay inatasan kami na kung kami ang nagsulat ng "Ang Anim na Sabado ng Beyblade"  ay ano ang magigi nitong katapusan?? narito ang aking sagot


         Ng malibing si Rebo sa cementeryo ay nagtungo na ang magulang ni Rebo pauwi, ngunit muntik na silang makasagasa ng batang lansangan at nang bumaba ay nakita nila ang lalaking bata na kasing edad ni Rebo. biglang naantig sa bata ang mag-asawa naisipang ampunin. at nang maampon na ay tinuring nila itong tunay na anak. Samantala masaya naman si Rebo sa langit para sa kanyang magulang at sa bago nitong anak. ngunit kahit ganon ay hindi kaylanman nakalimutan nila si Rebo.

Mga Kaganapan sa oras ng Filipno(Check)



06-16-15


       At sa araw na ito ay nag tsek kami ng mga Gawain na ginawa naming noong nakaraang mga araw.

Mga Kaganapan sa oras ng Filipino(Ang Ama)

06-11-15


          Sa mag sumunod na araw ay inatasan rin kami na gawin ang “PAGKASUNODSUNOD NG MGA PANGYAYARI” sa kwentong “Ang Ama”




Mga Kaganapan sa oras ng Filipino (Si Mabuti)

06-09-15

              Sa sumunod na araw inatasan kami na gumawa ng timeline ng kwentong “Si Mabuti”

Simula
                Nagsimula ang lahat sa isang walang pintang paaralan na kung saan siya kinakikitaan. Isa ito sa mga lumang silid sa Ikalawang palapag sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang. Si mabuti ang tawag sa kanya pagnakatalikod pagkat lagi siya nagsasabi ng mga salitang may “Mabuti”

Gitna
                Sa isang sulok ng silid-aklatan ninais ni Fe na lutasin ang kanyang problema sa pagluha at ilabas ang kanyang emosyon. Nang bigla siyang lapitan ni Ms. Mabuti at tinanong ang kanyang problema. At buong puso niyang pinakingan si Fe, Hanggang matapos ay halata sa mukha ni Ms. Mabuti ang problema.

Wakas

                Kinaumagahan agad niyang naitago ang lungkot sa mukha at habang nagtuturo ay biglang naibangit ang kanyang anak na nais nyang maging doctor kagaya ng kanyang ama. Pagkatapos ng limang araw nabalitaan ni Fe ang pagkamatay ng asawa ni Ms. Mabuti ngunit hindi sa bahay nito nakaburol. At doon nya lang naintindihan ang problema ni Ms. Mabuti.

Mga Kaganapan sa oras ng Pilipino

06-08-15

                Nagbasa ang aming guro ng isang kwentong pinamagatang “Si Mabuti”. Ito ay isang kwentong hango sa isang istorya ng isang guro at ng kanyang mga problema sa buhay. Habang kinikwento ito, labis na nahabag ang aking kalooban. at napagtanto ko na may roon parin palang mga tao na may mas mabigat na problema ngunit sila'y di bumibitaw. Kaya napag isip-isip ko na huwag susuko basta basta sa mga problemang darating sa ating buhay.