Miyerkules, Enero 20, 2016

Mga Kaganapan sa oras ng Filipino (Alamat)

07-03-15

Kami y gumawa ng tula at babasahan namin sila. Narito ang akin.

Ang Pagusbong ng Bulaklak na
SANTAN
      Isang araw sa isang maganda at mamahaling subdivision ay nagsimula ang isang kwentong mahika napag pupulutan ng aral. Tahimik at masaya ang mag asawang Mr. at Mrs. Buenaventura, masaya na sila sa isa nilang kompanya. Kagaya nga ng normal mag asawa ay may roon rin silang problema, pero hindi ito simpleng problema lamang. Si Mrs. Bueneventura ay hindi na makapag silang pa ng anak sa kadahilanang na kunan ito sa una nilang anak. Pero hindi pinanghinaan ng loob si Mr. Buenaventura na may pag asa pa silang magkaroon ng anak. Halos lahat nalang ng santo ay inalayan na nila at lahat na banal na bundok na sinsabing magkakaanak sila ay na puntahan na nila. Halos panghinaan n lang din si Mr. Buenaventura ng biglang nagkukumahog na pumunta sa banyo ang kanyang asawa. Naisipan ng mag asawa na pumunta sa doctor. Kinabukasan ay nagpatingin nga sila gaya nga ng kanilang napag usapan. Nagtatalo sa kanyang puso ang takot at saya . Takot na baka may sakit ang kanyang asawa at saya na  baka buntis ito. Lumabas ang doctor at nag wika ang doctor ng “Hindi ko po alam kong paano ito nangyri pero, BUNTIS po kayo Mrs. Buenaventura”.          
Pag karaan ng ilang araw ay sinilang na nga ang kanilang anak na pinangalanang Zatana. Si Zatana ay may mapupulang pisngi at matatamis na ngiti. Ano nga naman ang pagkakataon at ang mala anghel na bata ay biglang nagbago at ito’y nagiging maldita. Nag simula ang lahat ng siya’y limang taong gulang pa lamang, dahil nga sa nag iisa lamang ay lahat ng gusto nya ay nasusunod at dito nila nalimutan ang pagpapaalala kay Zatana ang kabutihang asal. Lalo pang nagsimula ang lahat ng siya ay tumuntong si Zatana sa edad na disisyete. Isang araw ay nakita ng kanyang mga mgulang ang pang mamalupit nya sa kanyang mga katulong. Tinanong niya si Zatana kong ano ang dahilan ng pang mamalupit nya, “Kasi naman yang mga katulong ay nadikitan ako ng walis tambo” sabi ni Zatana”. Halo pumutok naman sa galit ang kanyang ama pero nag wika na lamang ito ng “Kung hindi mo sakin ma ipapakita ang pag respeto sa nakakatanda ay hindi kita bibigyan ng isang party sa kaarawan mo” walang nagawa si Zatana at ito’y umakyat na lamang sa kanyang kuwarto. Pero biglang may pumasok na masamang idea sa kanyang isipan at nag wia sa sarili ng “Kung kailangan ko lamang ay mapaniwala ang aking ama na mabait ako ang kailagan ko lamang ay mag baitbaitan sa harap nila”. Lumipas ang araw  na mabait ito sa harap ng mga magulang niya pero lingid sa kaalaman ng magulang nya na pag nakatalikod sila ay pina hihirapan niya ang mga katulong. Dahil sa inasta ni Zatana sa mga katulong nila ay nagawa nilang mapangalanan si Zatana pag nakatalikod ito, at tinawag nga syang Zatana ang dakilang SANTA-SANTITA o ang ibig sabihin ay PLASTIC si Zatana. Mukhang nakumbinsi nga ni Zatana ang kanyang mga magulang sapagkat ay narinig nya ang pag uusap nito tungkol sa darating na kaarawan niya.
Kinabukasan ay nag simula na  ngang mang imbeta si Zatana sa kanyang mga kaklase kahit wala pang kasigurohan. Halos ipag sigawan na lamang nya ang mga katagang “PUMUNTA KAYO SA KAARAWAN KO!!!” Pero sa mismong kaarawan ni Zatana ay kaarawan rin pala ng kaniyang kaklase na mabait. Narinig ni Zatana ang pag iimbeta nito sa kanyang mga kaklase kaya naman ay sinabihan nya ito ng”Huwag kanang maghanda dahil lahat sila ay pupunta sa aking kaarawan” kasabay nito ang ag tawa niya ng malakas. Pag kagaling nga nya sa klase ay kinausap sya ng kanyang mga magulang, hindi nga sya nagkamali at pinagplanohan na nga ang kanyang kaarawan. Dumating na nga ang kaarawan niya. Habang siya ay inaayusan ay iniisip nya na ang mga naglalakihang regalo ng kaniyang mga kaklase. Ngunit kabaliktaran ito ng siya ay lumabas, halos paliliitan ang kanyang mga kaklase sa dalang regalo.

                Dahil sa kanyang inis ay nasabihan niya ng masasakit at masasamang salita ang kaniyang mga kaklase. Dahil sa sinabi ni Zatana ay nagalit sa kanya ang mga kaklase nya at binawi ang mga regalo nila, hindi alam ni Zatana na sa loob pala ng mga regalo na iyon ay ang mga nagmamahalang mga regalo. Habang si Zatana ay naiinis hindi niya alam na sa likod nya pala ang mga magulang niya na galit kay Zatana. Halos kong ano na ngang palusot ang ginawa niya para makumbinsi ang mga magulang niya ngunit mas lalo silang nagalit kay Zatana dahil sa pagsisinungaling nito sa kanila. Halos gusto na lamang ni Zatana na lamunin siya ng lupa para maalis siya sa eksena na iyon, kaya naman ay tumakbo na lamang siya sa malawak na hardin nila.


                Habang si Zatana ay umiiyak ay nag kukumahog naman na hinahanap ng mga katulong si Zatana. Habang siya ay umiiyak ay nakarinig siya ng impit na ungol, ng lapitan niya ito ay laking gulat nito ng Makita ang isang duwende na naipit sa kahoy.” Tatakbo na sana palayo si Zatana ng biglang nag wika ang duwende”Tulungan mo ako kapalit ang isang hiling” hindi na nga nag dalawang isip pa si Zatana at tinulungan ang duwende, pero hindi niya alam na ang duwende pala ay masama sinabihan siya nito ng “Mag iingat ka sa iyong hiling” pero dali-dali itong nag wika ng “Sana ay hindi na magalit ang mga magulang ko pag ako ay nakita kundi sana ay mas lalo pa nila ako alagaan”. Biglang nabalot ng liwanag si Zatana at bigla siyang nagging bulaklak na kasing pula ng kaniyang pisngi pero sya ay may mukha “Hindi ito ang nais kong hiling!!!!” wika ni Zatana, pero bigla nalang nawala ang duwende. Halos maiyak ang mga magulang niya sa sinapit ng kaniya ng nag iisang anak, kagaya nga ng kaniyang hiling ay nakalimutan ng magulang niya ang nangyari at sya’y inalagaan. Nag daan ang mga taon at pumanaw na ang kaniyang mga magulang. Pag kalipas ng ilang araw pag katapos pumanaw ang mga magulang niya ay biglang lumitaw ang duwende. Pero imbis na mag makaawa si Zatana ay sinabihan nya ng masasamang salita ang duwende. Dahil doon ay inalis nito ang mukha at bibig ni Zatana at tinira ang isang maliit na mata sa gitna na hindi napapansin ng mga tao. Napag isipan ng mga katulong na itanim na lang sa hardin si Zatana, at doon na nga ay siya’y rumami. Dahil na nga sa maganda talaga ito ay hindi maiwasan ng mga nakakita na mag tanong kung ano ang pangaln ng nasabing bulaklak. Sinabi na lamang ng mga katulong na SANTAN dahil sa pinag samang pangalan na Zatana at Santa-Santita. Kaya naman ngayon pag bumubuka ang Santan ay nagbabasakali si Zatana na baka makita nito ang duwende at pag ito’y naka tiklop ay parang apoy na patusok, APOY na nagliliyab sa galit,lungkot at higit sa lahat ay pagsisisi.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento